Bata ikinarga sa delivery box LALAMOVE RIDER KAKASTIGUHIN NG LTO

PADADALHAN ng show cause order ng Land Transportation Office (LTO) ang Lalamove rider na nag-viral matapos makunan ng video ang sakay na bata sa loob ng delivery box habang umaandar ang motorsiklo.

“Immediately mag-i-issue tayo ng show cause order po doon sa rider, sa may-ari ng motor,” pahayag ni Renan Militante, LTO Intelligence and Investigation Division officer-in-charge.

Tinitingnan din ng LTO kung may nilabag na batas ang rider kabilang ang Republic Act No. 1066 o Children’s Safety on Motorcycles Act of 2015.

“Kung titingnan po natin, wala po siya sa tamang ispesipikasyon ng pag o-onboard ng isang bata, na dapat po ‘yung feet ng bata ay nasa foot peg ng isang motorcycle. Pangalawa, naka-helmet po dapat ang bata at pangatlo po, dapat nakayakap ‘yung bata sa nagmamaneho ng motorsiklo,” dagdag pa ng opisyal.

Sa cellphone video na inupload ni Jeric Cruz  na kuha noong February 24 ay makikita ang kamay ng isang bata na itinaas ang takip ng delivery box ng motorsiklo.

Ayon kay Cruz, ipinost niya ang video para i-promote ang child safety awareness, at idinagdag na delikado ang sitwasyon dahil insulated ang bag at walang bracket para maiwasan itong mahulog.
Matatandaang nag-viral ang nasabing video footage ngunit agad din itong tinanggal ni Cruz sa kanyang account dahil na rin sa kahilingan ng rider.

54

Related posts

Leave a Comment