BEBOT TIMBOG SA P2-M SHABU SA LUCENA CITY

LUCENA CITY – Timbog ang isang babaeng nakatala bilang high value individual (HVI) sa police watchlist, matapos makumpiskahan ng P2 milyong halaga ng umano’y shabu sa drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Cotta sa lungsod noong Sabado ng gabi.

Hindi nakapalag ang suspek na kinilalang si alyas “Ann”, 45, residente ng Brgy. Cotta, nang damputin ng mga mga tauhan ng Quezon Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Lucena SDEU matapos ang transaksyon sa isang babaeng pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa suspek ang isang bag na naglalaman ng 7 sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 102 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P2,080,800.

Nakakulong na ang suspek sa Lucena City locked-up cell at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 ng Section 11 ng Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(NILOU DEL CARMEN)

102

Related posts

Leave a Comment