NAGBABALA kahapon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na iwasan muna ang pagkain ng shellfish mula sa ilang siyudad sa Bohol, Leyte, Davao Oriental, Surigao Del Sur at Negros
Oriental dahil sa red tide.
Ayon sa pagsusuri ng BFAR, lumalabas na positibo pa rin sa red tide toxin ang mga shellfish na kinolekta sa mga sumusunod na lugar: Dauis at Tagbilaran sa lalawigan ng Bohol; Cancabato Bay at
Tacloban City sa Leyte; Balite Bay at Mati City sa Davao Oriental; at Lianga Bay sa lalawigan ng Surigao del Sur.
Sa pagsisiyasat pa ng BFAR, nagpositibo na rin umano sa red tide toxin ang mga shellfish na nakuha nila sa Tambobo Bay, Siaton, at Bais Bay sa Bais City sa Negros Oriental.
Paalala ng tanggapan na ang kahit anong uri ng shellfish o alamang na makukuha sa lugar ay hindi ligtas kainin.
Ligtas naman daw kainin ang mga isda, hipon, squid, at mga crab na makukuha sa mga nabanggit na lugar basta’t mahugasan ang mga ito nang maayos bago lutuin. (JESSE KABEL)
207