BIGAS, KARNE SAPAT HANGGANG DISYEMBRE – DA

TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng bigas at karne hanggang sa Kapaskuhan.

Ayon sa DA, mayorya ng suplay ng bigas ay mula sa local production ng mga Pilipinong magsasaka.

“A big chunk of the supply comes from the locally produced rice, and production of farmers will be enough to meet the demand towards the end of the year,” ayon sa DA.

Sa kabilang dako, mararamdaman naman ang adjustments sa presyo ng bigas sa mga pamilihan dahil sa epekto ng nararanasang tagtuyot sa China.

“Retail prices, however, might be affected by the ongoing drought in China due to its implications in the cost of palay production, as well as the presence of rice varieties from other countries. Despite this, the DA confirmed that local production is enough,” dagdag na pahayag ng DA.

“The country has recorded a steady increase in rice stocks inventory reaching up to 2,034.57 metric tons (MT) (Household 1,064.25 MT; 809.83 MT; and NFA 160.50 MT) in July from the 1,632.51 metric tons (Household 864.92 MT; Commercial 611.93 MT; and NFA 156.26 MT) recorded last March” ayon naman  sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Para naman sa National Irrigation Administration (NIA), ginagawa naman nito ang lahat ng pagsisikap upang maabot ang layunin ng gobyerno na itaas ang local production.

Samantala, bukod sa sapat na suplay ng bigas, tiniyak ng DA sa publiko na hindi kukulangin ang produktong karne sa magiging demands nito sa holiday.

“The DA livestock group… confirmed the country’s meat-sufficiency, especially in terms of local chickens and pigs,” dagdag na pahayag ng DA.

Base sa supply outlook ng departamento, “the local production of 1.65 million MT actually meets the expected demand of 1.64 million MT, not to mention that the total broiler supply is expected to be at 1.82 million MT.”

Gayunman, ang kabuuang suplay ng baboy ay tinatayang magiging  “0.10 million MT”  mababa sa inaasahang demand ng bansa na 1.64 million MT.

“The Department is continuously working on maintaining the stability of the price and monitoring supply to help local producers produce enough for the demand,” ayon sa DA.

“As of September 20,” ang umiiral na presyo sa Kalakhang Maynila gaya ng fresh pork kasim ay P300 kada kilo; P370 per kilo para sa sariwang pork liempo; at P180  kada kilo para sa fully-dressed, whole chicken. (CHRISTIAN DALE)

Related posts

Leave a Comment