BIGTIME PUSHER SWAK SA DROGA

SA halip na malutong sa lilibuhing salapi, malamig na rehas ng kulungan ang hinihimas ngayon ng 39-anyos na umano’y drug lord matapos masilat sa isang anti-illegal drug operation sa lungsod ng Maynila.

Sa ulat ni Lt. Col. Roberto Mupas ng Manila Police District (MPD) Station 14, arestado ang target na si Faiz Mamintal Mampao, alyas ‘Boss’ sa aktong pagtanggap ng pera mula sa isang operatibang nagpanggap na buyer sa Islamic Center sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay Station Drug Enforcement chief Major Gil Johnson Lobaton, dakong alas 6:00 ng hapon nang ikasa ang buy-bust operation matapos pumayag ang target na bentahan ang pulis na nagpanggap bilang buyer ng droga.

Pagdating sa pinag-usapang lugar, inabot ng poseur-buyer ang pera sa suspek na agad na dinakma habang hawak ang 160 gramo ng shabu na inakalang binibili ng katransaksyon.

Nabawi rin ng pulisya ang boodle money na ginamit sa transaksyon. (RENE CRISOSTOMO)

55

Related posts

Leave a Comment