BIYAHE NG MALILIIT NA BANGKA SINUSPINDE SA QUEZON SA MASUNGIT NA PANAHON

PANSAMANTALANG sinuspinde ng Philippine Cost Guard mula nitong Biyernes ang biyahe ng maliliit na pampasaherong bangka sa Quezon dahil sa masungit na lagay ng panahon.

Ayon sa advisory ng PCG, lahat ng mga pampasaherong bangka na mababa sa 250 Gross tonnage (GT) ay hindi muna pinapayagang maglayag.

Apektado rito ang biyahe ng mga bangkang de katig patungo sa ilang mga islang bayan sa Polillo Group of Island. Pinapayagan namang makabiyahe ang mga RORO.

Sa Real Port sa Quezon, tinatayang nasa 100 pasahero ang stranded patungo sa mga bayan ng Patnanungan at Jomalig.

Nasa 10 maliliit na sasakyang dagat din ang hindi pinayagang makaalis ng PCG.

Marami sa mga pasahero ay sa bangka na lamang at sa loob ng PPA compound nagpapalipas ng oras.

Nagbibigay naman ng ayudang pagkain ang lokal na pamahalaan ng Quezon sa stranded na mga pasahero.

Sa Weather advisory ng PAGASA, apektado ng shearline ang Bicol Region, Quezon, Romblon at Marinduque at posibleng makaranas ng matinding mga pagbuhos ng ulan. (NILOU DEL CARMEN)

17

Related posts

Leave a Comment