BOC AT DA SANIB-PWERSA KONTRA AGRI-SMUGGLING

MAS pinalakas na kampanya laban sa malawakang agri-smuggling ang inilunsad ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) sa bisa ng isang bagong kasunduang nagbigay-daan para sa sabayang operasyon laban sa mga mapagsamantalang negosyante.

Sa pagbisita kamakailan ni Agriculture Assistant Secretary James Layug sa tanggapan ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, tinalakay ng dalawang opisyal ang mga angkop na estratehiya para tiyakin ang pagpapatibay ng mga hakbang kontra smuggling ng mga produktong agrikultura.

Bukod kina Ruiz at Layug, bahagi rin ng talakayan ang mga kinatawan ng iba pang katuwang na ahensya at tanggapan ng pamahalaan.

Partikular na pinaksa ang mga inisyatibo ng pagpapalakas ng inter-agency collaborations sa pagpapaganda ng ‘joint ope­rations and inspections, mahigpit na pagpapatupad ng mga reglamentong sumasaklaw sa pag-angkat, pakikipag-ugnayan sa mga Customs Bureau ng mga bansang pinagmulan ng nasabat ng agri-products, at ang implementasyon ng mas pinalakas na Information Communication Technology (ICT) systems para sa palitan ng datos at beripikasyon ng mga pumapasok at lumalabas na kargamento.

Pagtitiyak ng Ruiz, ang mga inisyatibong kinatigan ng dalawang ahensya ay naaayon sa 8-Point Socio-economic Agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. (JOEL AMONGO)

14

Related posts

Leave a Comment