BRGY. EX-O TIMBOG SA RAPE SA PWD

ARESTADO sa bisa ng warrant of arrest ang isang  60-anyos na barangay executive officer (EX-O ) sa pagsalakay ng mga operatiba ng District Investigation Division ng Special  Mayor’s Reaction Team (SMaRT), sa Barangay Silang, Muntinlupa City.

Kinilala ang suspek na si Orlando Mariaga, may asawa, ng Barangay Silang, Muntinlupa City.

Batay sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng DID-SMaRT, bandang 5:45ng hapon, nang bitbitin ng kanyang mga tauhan sa pangunguna nina Police Major Emmark Dave Apostol at Leutenant Edgar Julian, ang suspek sa Barangay 16, Bagong Silang, Sucat, Muntinlupa City, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Roberto Quiroz, Regional Trial Court, Branch 29 ng Manila, na may petsang Hulyo 28, 2017.

Ang suspek ay most wanted person, district level, dahil sa kasong rape na walang inirekomendang pyansa.

Ayon sa rekord ng pulisya, isang menor edad na may kapansanan ang umano’y hinalay ng suspek noong Agosto 11, 2002 sa Arlegui Street, Barangay 387 sa lungsod ng Maynila. (RENE CRISOSTOMO)

35

Related posts

Leave a Comment