BUNTIS NAGULUNGAN NG TRUCK, PATAY

CEBU – Patay ang isang 4 na buwang buntis matapos na masagasaan ng isang wing van truck sa Barangay Looc, Danao City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Gracel Castro Jayson, 26, taga bayan ng Catmon.

Ayon sa report ng Danao City Police, dakong alas-11:00 ng gabi, galing sa kanyang trabaho sa Mactan Economic Processing Zone sa Lapu-Lapu City ang biktima at pauwi kanilang sa bahay, subalit habang tumatawid sa highway ay nabangga ng truck na minamaneho ng 43-anyos na si Ruel Guya Obana. Makaraang masagasaan ay nagulungan pa ng truck ang biktima.

Pagkaraan ay tumakas ang driver ng truck ngunit naharang ng mga awtoridad sa kasunod na bayan ng Carmen.

Nasa kustodiya na pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

(NILOU DEL CARMEN)

258

Related posts

Leave a Comment