CABLE INSTALLER PATAY SA SAKSAK

HINDI umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 39-anyos na cable installer makaraang saksakin sa isang gasolinahan sa Tondo, Manila noong Sabado ng gabi.

Dead on Arrival sa pagamutan ang biktimang si Frankie Aguilar, binata, ng Tondo, Manila.

Habang mabilis namang nakaeskabo ang suspek na si Ryan Jaztin Pablo, 32, kapitbahay ng biktima.

Ayon sa ulat ni Det. Irene Jay Manalili, may hawak ng kaso, na pinangasiwaan ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-8:20 ng gabi nang mangyari ang insidente sa isang gasolinahan sa lugar.

Agad namang isinugod sa Tondo Hospital ang biktima makaraan ang insidente habang nakatakas naman ang suspek. (RENE CRISOSTOMO)

64

Related posts

Leave a Comment