CALIBRATED REPATRIATION SA MGA PINOY SA ISRAEL

IPINAALALA ni Senador Grace Poe na ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Israel ang kailangang tutukan ngayon ng gobyerno.

Sinabi ni Poe na dapat tiyakin ng mga ahensya ng gobyerno na maiaalis na ang mga Pinoy sa mga lugar malapit sa battle zones at dalhin sila sa shelters o mga halfway houses.

Dapat na rin anyang ipatupad ang calibrated repatriation sa mga nais nang bumalik sa bansa habang bukas pa ang mga borders.

May pondo naman anya dito ang gobyerno at kailangan itong gastusin nang maayos.

Iginiit naman ni Senador Sherwin Gatchalian na dapat magtulungan ang lahat ng ahensya ng gobyerno upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mga Pinoy na nasa Israel.

Ayon kay Gatchalian, kailangan ng agarang pagkilos ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang matiyak na mamomonitor ang mga Pinoy sa Israel kabilang ang 30,000 OFWs.

(DANG SAMSON-GARCIA)

64

Related posts

Leave a Comment