CASH CARD MAGAGAMIT NA NG PUJ DRIVERS

0

MALAKI ang posibilidad na magamit bago mag-Disyembre ang mga cash card na naglalaman ng fuel subsidy para sa public utility jeepney drivers na lubos na apektado ng magkakasunod na oil price hike.

Sinabi ni LTFRB Regional Director for NCR Atty. Zona Russet Tamayo sa Laging Handa public press briefing na kasalukuyan na itong tinatapos ng Landbank upang makuha ng mga kwalipikadong benepisyaryo.

Napag-alaman na nasa 136,000 ang mga benepisyaryo ng fuel subsidy kung saan 85,000 dito ang aktibo at higit 50,000 pa ang target na mabigyan ng cash card sa buong bansa.

Sinabi pa ni Atty. Tamayo na nag-umpisa na ang LTFRB na magbigay ng P7,200 per unit na fuel subsidy nitong Miyerkoles.

Samantala, mahigpit naman nitong paalala sa mga tsuper ng jeep na laan lamang ito para sa fuel subsidy at hindi maaaring i-withdraw o gamitin sa iba ang perang inilaan ng pamahalaan para sa naturang programa.

Ani. Atty. Tamayo, may paraan sila upang matukoy kung nagamit sa iba pang transaksyon ang card na para lamang sa pagpapakarga ng krudo. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment