HUMIHINGI ng paliwanag mula sa Department of Education ang ilang grupo ng Catholic Schools kaugnay sa paglilipat sa pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.
Sa liham sa DepEd, sinabi ni Fr. Elmer Dizon, pangulo ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP), na siyang ginamit na rin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines
(CBCP) sa kanilang social media account, na sila ay nagulat sa desisyon ng DepEd.
Anila nakahanda naman sila sa pagbubukas ng klase.
Inanunsyo ng DepEd noong Biyernes na ililipat nila ang pagbubukas ng klase sa Oktubre 5, mula sa dating Agosto 24.
Ito’y dahil umano sa epekto ng mas istriktong modified enhanced community quarantine sa Metro Manila at 4 na karatig-probinsiya sa mga paghahanda para sa blended learning sa darating na
pasukan.
Nauna nang sinabi ng gobyerno na wala munang physical classes sa mga paaralan habang wala pang bakuna laban sa COVID-19, na patuloy na kumakalat sa bansa.
Paliwanag pa ni Fr. Dizon, nakipagpulong pa sila sa DepEd nito lang nakaraang mga araw at walang sinabing may bagong schedule ng pasukan.
Nakapagsumite na rin ang iba’t ibang paaralan ng mga required documents gaya ng learning continuity plan, health and safety protocol, at school calendar na nagpapahayag ng kanilang
kahandaan para sa pagbubukas ng klase sa August 24, kaya nagtataka ang mga pribadong paaralan sa bago na namang desisyon ng DepEd. (CATHERINE CUETO)