CHINESE ARESTADO SA ESTAFA

CAVITE – Inaresto sa bisa ng warrant of arrest ang isang Chinese national na itinuturing na rank no. 2 most wanted person city level, sa kasong estafa, sa isinagawang operasyon sa Dasmariñas City noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Chen Shangyou, inaresto dakong alas-10:50 ng umaga sa Brgy. Burol Main, Dasmariñas City.

Ayon sa ulat, inaresto ang suspek sa bisa ng ng warrant of arrest sa kasong estafa (4 counts), na inisyu ni Presiding Judge Barry Boy Ariola Salvador ng Regional Trial Court, Branch 52, Manila.

Ang suspek ay nasa kustodiya na ng Dasmariñas CPS.

(SIGFRED ADSUARA)

 

109

Related posts

Leave a Comment