CHINESE EMBASSY KINALAMPAG NG KAPAMILYA PARTY-LIST SA PAMBABARAKO SA WPS

MAPAYAPANG nagsagawa ng protesta ang mga miyembro ng KAPAMILYA party-list sa harapan ng Chinese embassy upang tuligsain ang marahas na aksyon ng Chinese Coast Guard sa tropang pandagat ng Pilipinas.

May 15 minuto na nakapagsagawa ng programa ang grupo nang pakiusapan nila ang pulisya sa pagsagawa ng mapayapang pagkilos.

Bahagi ng programa ang pagsindi nila ng insenso bilang simbolikong ritwal ng Intsik sa pagpapalayas ng masasamang espiritu gaya ng Chinese troops and militia na nakadaong sa WPS.

Nagtapon din sila ng mga basura sa bukanang bangketa ng embahada upang ipadama nila na mistulang basura ang China nang binalahura nito ang WPS na nagtataglay ng maganda at mayaman sa yamang dagat.

Ipinahayag ni Nelson Tanalgo, tagapagsalita ng Kapamilya, na nararapat lang na puspusang ipanawagan nila na lumayas ang China teritoryong dagat ng Pilipinas.

Hinikayat ni Tanalgo ang administrasyong Marcos Jr. na tuwiran umaksyon ito upang patalsikin ang China.

Huwag nitong (Pangulong Marcos) hayaan ang palagian at tumitinding pandarahas ng CCG at milisya nito sa ating mga tropang pandagat, na layon suplayan ng pagkain at inumin sa mga nagbabantay na sundalo sa Ayungin Shoal.

“Hindi lang sa paggamit ng water cannon bagkus dinadanas ngayon ng tauhan ng PCG ang pananakit at paninira ng kasangkapan sa barko na tanging intensiyon lang ng ating tropa ay magdala ng suplay na pagkain sa nagbabantay sa Ayungin Shoal.

Ang tuwina at tahasang pangbabangga sa barko ng PCG ay maituturing na pang-uudyok sa ating kasundaluhan na sumabak sa giyera at humingi ng tulong militar sa Estados Unidos. Ibinabadya ng China na pumasok tayo at kaalyadong superpowers sa isang digmaang pandaigdig,” ayon pa kay Tanalgo.

99

Related posts

Leave a Comment