Claimant dakip sa controlled delivery ops DAMO NALAMBAT SA PARAÑAQUE

HINDI na nagawang pumalag ng isang 25-anyos na claimant matapos dakpin ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa aktong pagtanggap ng isang bagaheng naglalaman ng high-grade marijuana, sa Lungsod ng Parañaque.

Kinilala ang suspek sa pangalang Kristoffer Angelo Delgado na residente ng Barangay Don Bosco ng natu­rang lungsod.

Sa isang kalatas ng BOC, Oktubre 24 nang dumating sa Port of Clark sa Pampanga ang drogang nagkakahalaga ng P925,000. Nabisto diumano ang kargamentong idineklarang lambat matapos isalang sa X-ray scanner, trace detector at K-9 sweeping sa nasabing pasilidad

Batay sa mga dokumentong kalakip ng nasabing kargamento, lumalabas na nagmula pa sa Estados Unidos ang nahagip na kontrabando.

Sa imbentaryo ng PDEA, umabot sa mahigit kalaha­ting kilo ang marijuana, bukod pa sa 45 vape cartridges na kargado ng liquid marijuana juice, ID ng claimant at cellphone.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 4 (Importation of dangerous drugs) ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.
(JOSE OPERARIO)

24

Related posts

Leave a Comment