COLLECTION DISTRICTS, HATAW SA KOLEKSYON

IBAYONG sigasig ang ipinamalas ng 17 district collection offices ng Bureau of Customs (BOC), batay sa datos ng Financial Service Office ng nasabing kawanihan.

Base sa rekord ng nasabing tanggapan, kabilang sa mga distritong nakapag-ambag ng malaking pondo sa kawanihan ang Manila International Container Port (BOC-MICP) na nakapagsampa ng P173 bilyon mula Enero hanggang Nobyembre 11.

Pasok din ang Port of Batangas na nakalikom ng kabuuang P170.89 bilyon sa nakalipas na 10 buwan, habang nag-ambag naman ang Port of Manila ng kabuuang P67.61 bilyon.

Hindi rin nagpaiwan ang Port of Cebu na lumikom ng P36.053 bil­yon at ang Port of San Fernando (La Union) na nakakolekta ng P­9.­8 ­bilyon.

Binigyang pagkilala rin ni Customs Commissioner ang 13 iba pang distrito na pawang nakapagtala ng higit pa sa kani-kanilang nakatakdang target collection sa mga nakalipas na buwan. (BOY ANACTA)

11

Related posts

Leave a Comment