CONCEPCION CRIME GROUP MEMBER NALAMBAT NG PRO5

0

SA ilang araw pa lamang na pagkakaupo bilang bagong Regional Director ng PRO5, nagpakitang gilas si P/BGen. Jonnel C. Estomo at kanyang mga tauhan, patunay rito ang pagkakaaresto sa isang hardcore member ng Concepcion criminal group, sa Brgy. Buluang, Bato, Camarines Sur.

Kinilala ni P/BGen. Estomo ang nadakip na si Lauro Dancalan y Dellona, nakatala bilang priority target para sa 1st quarter ng 2021, dahil sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

Ayon sa ulat, noong Miyerkoles, Abril 28, alas-6:40 ng umaga, ipinatupad ng pinagsanib na pwersa ng CS 2nd PMFC (lead unit), kasama ang mga operatiba mula sa PIU CSPPO, 9SAB-SAF, 93CIP (SMP), 97 MICO, RID RSOU, PIT CamSur, RIU5 at Bato MPS, sa pangunguna ni P/Maj. Ryan P. Primado, FC, CS2nd PMFC, ang search warrant na inisyu ni Hon. Maria Clarissa L. Pacis-Trinidad, executive judge ng RTC Branch 36, 5th Judicial Region, Iriga City, laban sa suspek.

Sa paghalughog sa bahay ng suspek ay nakumpiska ng mga awtoridad ang isang .38 caliber revolver Colt na may limang bala, tatlong piraso ng emulsion explosives, isang cylindrical container na may lamang isang rifle grenade, isang detonating cord na may nakakabit na blasting cap explosives, isang packaging tape at iba pang pertinent evidences.

Ang kasong ito ay may kaugnayan sa nangyaring armed encounter kamakailan ng mga tauhan Bato MPS PRO5 at ng suspek na si Mario Sandrino y Quite, miyembro rin ng Concepcion criminal group, na ikinamatay ng huli noong Abril 25, 2021 dakong 2:25 ng madaling araw.

Ang Concepcion criminal group ay tinaguriang armed and dangerous dahil sa pagkakasangkot sa serye ng illegal transactions ng mga armas, robbery/hold-up, gun for hire at carnapping activities sa Camarines Sur at iba pang mga lalawigan sa Bicol Region.

Ang arestadong suspek ay pansamantalang nasa kustodiya ng Bato MPS lock-up jail. (JESSE KABEL)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment