CONCEPCION: PAMPRIBADONG SEKTOR, SUPORTADO ANG DALAWANG LINGGONG ‘LOCKDOWN’ PARA MAISALBA ANG ATING BUHAY AT PANGKABUHAYAN

0

Kasunod ng mga naiulat na nagpositibo sa Delta variant sa bansa, sinang-ayunan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo Founder Joey Concepcion, kasunod ng talakayan sa pampribadong sektor, ang panukalang magpatupad muli ang pamahalaan ng dalawang linggong lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant.

“We have to protect the lives of the most vulnerable ones most especially our unvaccinated kababayans and continue the aggressive vaccination rollouts while addressing the problem of Delta,” saad ni Concepcion.

Binigyang-diin ni Concepcion ang kahalagahan ng 4th quarter o huling bahagi ng taong kasalukuyang para sa ating mga negosyante.

“It is the most important quarter of the year. This is where consumers spend Christmas. Election spending will also come. Most businesses who lost their income from the previous months will be able to recover,” dagdag nito.

Ang panukalang ito ay magsisilbing kahalili ng suhestyon ng OCTA research upang magkaroon ng ‘Circuit Breaker Hard Lockdown’ ng dalawang linggo, dahil kung dadami pa ang kaso ng mga nagpositibo sa Delta variant, maihahalintulad sa isang malaking pagsabog ang pagkalat nito.

Ayon sa OCTA research, ang kanilang inaasahan na pagdami ng kaso ng Delta variant batay sa nangyari sa ating karatig-bansa sa ASEAN ay nagpapakitang maaapektuhan ng pagdami ng mga kaso ang ating healthcare system sa NCR, bandang kalagitnaan ng Agosto at maaaring mapuno ang mga ospital sa buwang ito.

“No ASEAN countries have reversed the surge without locking down major cities. The longer we wait, the harder we can reverse the surge.”

Nagpahayag naman si Concepcion ng suporta kung ipapatupad ng ating pamahalaan ang dalawang linggong lockdown tulad ng nangyari noong Marso nitong taon. “We prefer that we solve the problem early and not wait for the problem to get bigger, because then we will have a lockdown for months. That is the most catastrophic thing in our country if that happens in the 4th quarter,” dagdag pa nito.

Giit ni Concepcion: “If we have to do it, let us do it. Let us prepare for it. We have to be decisive. We have to move quickly.”

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment