DAILY WALK-IN SA VACCINATION DEPENDE SA LGUs

DEPENDE na sa Local Government Units (LGUs) kung papayag itong gawin ang daily walk-in vaccination kahit tapos na ang 3-day National Vaccination day.

Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, ang mga LGU naman ang nasa ground kaya’t ang mga ito ang nakaaalam kung ano ang dapat ipatupad.

Mataas na rin naman aniya ang vaccine supply ng bansa kaya’t kakayanin din na mas buksan pa ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang programa para sa pagbabakuna.

Sa ikinasang Bayanihan, Bakunahan ay pinapayagan ang walk in base na rin sa direktiba mismo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walang pipila sa bakunahan na mabibigong mabakunahan. (CHRISTIAN DALE)

3

Related posts

Leave a Comment