DALAWANG INSTANT MILYONARYO NG LOTTO 6/42 KUMUBRA NA!

0

By: Leila N. Valencia/ Photos by Arnold Ramos

 November 3, 2021.  Nakubra na ng dalawang bagong milyonaryo ang jackpot prize sa magkasunod na Lotto 6/42 draw na binola noong ika -28 at 30 ng Oktubre 2021.

Makikita sa larawan na personal na inabot ni PCSO Vice-Chairperson at General Manager Royina Marzan Garma ang tsekeng na nagkakahalaga ng P5,940,000.00 jackpot prize sa bagong milyonaryo mula sa Valenzuela City, Metro Manila.

Sa bola na ginanap noong ika-28 ng Oktubre, biglang yaman ng mahigit na P5.9 milyon ang isang mananaya matapos niyang makuha ang tamang kombinasyon na 37-09-25-14-2804, ang maswerteng tiket ay kaniyang nabili sa isang lotto outlet sa Valenzuela City, Metro Manila. Isa siyang Sales Agent, 27 anyos at nag-iisa sa buhay. Ayon sa kaniya, mahigit siyam na taon na siyang  tumataya ng lotto at ang mga numerong nabanggit ay kaniyang alagang numero noon pa man. “Ako ay buong nagpapasalamat sa Diyos sa biyayang dumating sa akin at lalong lalo na sa PCSO, dati hindi po ako naniniwala, akala ko hindi totoo ang PCSO subalit lumabas po ang mga numero ko” “ Nais ko pong gamitin ang pera para sa negosyo, bibili ako ng bahay at lupa para sa pamilya ko.”

Inaabot ni PCSO ,OGM-Chief of Staff  Raymond Samarita (kaliwa) ang tsekeng nagkakahalaga ng mahigit  P5.9 milyon sa instant milyonaryo na nanalo ng jackpot prize ng Lotto 6/42.

Ang isa pang instant milyonaryo ay mula sa Ormoc City, Leyte na nanalo ng jackpot prize na P5,940,000.00 matapos niyang tamaan ang mga tamang numero na 26-05-42-32-15-19 noong ika-30 ng Oktubre, 2021. Siya ay 55 taong gulang, walang asawa at isang high-school graduate.  Sa kasalukuyan mayroon siyang isang maliit na sari-sari store na kanilang ikinabubuhay. Ayon sa kaniya, ang kanilang buong pamilya ay mananaya ng lotto,kaya noong namatay ang kaniyang ama, hiniling daw niya dito na sana ay gabayan siya sa mga numerong kaniyang tinatayaan. “Natutuwa ako at nalulungkot kasi may tax pero salamat pa rin sa Diyos. Plano kong magtayo ng lotto outlet, magdagdag ng puhunan sa tindahan at magbigay sa aking mga kapatid.”

 Nagpapasalamat si PCSO General Manager Royina M. Garma sa lahat ng mga Pilipinong sumusuporta at tumatangkilik sa mga “Larong May Puso ”  katulad ng STL, Lotto and Digit games, Keno and Instant Sweepstakes Scratch-it tickets, Baka kayo na susunod na milyonaryo.

Para sa karagdagang impormasyon at ibang detalye ng mga laro, produkto at serbisyo ng PCSO mangyaring bisitahin ang PCSO official website www.pcso.gov.ph, PCSO FB page https://www.facebook.com/pcsoofficialsocialmedia at ang PCSO GOV para sa YouTube.

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment