DANCE INSTRUCTOR HULI SA P680K SHABU

ARESTADO ang isang dance instructor nang mahulihan ng P680,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Nicolas Torre III ang suspek na si Mark Arthur Managaytay Mendoza, 32, ng Brgy. Culiat, Quezon City.

Ayon sa report ni Batasan Police Station (PS 6) commander, P/Lt. Col. Morgan Aguilar, bandang alas-3:30 ng madaling araw noong Nobyembre 24 nang maaresto ang suspek sa buy-bust operation sa Commonwealth Ave., Brgy. Old Balara, ng nasabing lunsod.

Sinasabing nakatanggap ng tip ang mga awtoridad sa hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek kaya nagkasa ng operasyon.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer at nang makabili ng P130,000 halaga ng shabu ay agad inaresto ang suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 100 gramo ng shabu na P680,000 ang halaga, weighing scale, cellular phone, itim na Mio Sporty Yamaha motorcycle, at buy-bust money.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa naarestong suspek. (LILY REYES)

14

Related posts

Leave a Comment