DATING SEN. RAMON REVILLA SR., KRITIKAL SA OSPITAL

ISINUGOD sa ospital ang 93-anyos na si dating senador Ramon Revilla Sr. matapos umanong makaramdam ng hirap sa paghinga.
Sa Facebook page ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., sinabi nitong naka-ventilator ang ama at patuloy na inoobserbahan.

“Daddy is still in critical condition and will be under strict observation for the next 48 hours,” nakasaad sa FB post.

Dakong alas-6:00 kagabi nang isugod sa St. Dominic Hospital sa Bacoor City, Cavite ang dating Senador dahil nahirapang huminga at nanlupaypay.

Matapos bigyan ng paunang gamot sa nasabing ospital ay inilipat ito sa St. Luke’s Medical Center at dito patuloy na inoobserbahan.

“Ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng mga nagdasal at nagpaabot ng kanilang pag-aalala at panalangin para sa aking ama at patuloy po kaming humihiling ng inyong panalangin para muli niyang malampasan itong kanyang karamdaman,” ayon kay Bong Revilla. SIGFRED ADSUARA

155

Related posts

Leave a Comment