DISMISSAL ITINANGGI NG NCR-CIDG DIRECTOR

NILINAW ni Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) Director Col. Hansel Marantan na hindi siya tinanggal kundi siya ay kusang nagbitiw sa pwesto.

Ang paglilinaw ay kaugnay sa mga ulat na sinibak siya sa puwesto dahil sa mga  katiwaliang nagsasangkot sa kanyang mga pinangangasiwaang operatiba na nagsagawa ng raid sa Parañaque City.

Sa isang pahayag, sinabi ni Col. Marantan na taliwas sa mga ulat ay kusang-loob siyang nag-resign sa kanyang posisyon bilang NCR CIDG Director para mawala ang anomang pagdududa  na maaaring maimpluwensyahan niya ang imbestigasyon na kinasasangkutan ng kanyang mga opisyal.

Si Marantan ay administratively relieved bilang regional chief ng CIDG- NCR.
“Bilang isang opisyal sa pagpapatupad ng batas, inaako ko ang responsibilidad para sa mga tauhan ko. Kapag ang propesyonalismo at integridad ng isang tao ay kinukuwestiyon, ang isa ay kailangang kusang ibigay ang pagbibitiw,” aniya.

“Tatanggalin din nito ang mga pagdududa na maiimpluwensyahan ang imbestigasyon,” pagpupunto pa ni Marantan.

Inihayag pa ni Marantan na ang ginawa niya ay bilang suporta sa kampanya ng gobyerno na sugpuin ang katiwalian sa mga opisyal ng gobyerno at mga nasa puwersa ng pulisya.

Sa mga naunang ulat ay lumalabas na si Marantan ay ni-relieve sa kanyang puwesto dahil sa “kwestyonable” na raid na isinagawa sa NCR.

Ang mga operatiba ng CIDG-NCR ay nangikil umano ng pera sa  grupo ng mga Chinese national na naaresto sa Paranaque.
“In fairness kay Col. Hansel Marantan, nakatanggap lang ako ng courtesy resignation sa pagiging regional chief ng NCR field unit. Baka para hindi maimpluwensyahan ang ginagawa nating imbestigasyon tungkol sa robbery extortion activity,” pahayag naman ni CIDG chief Brig.  Romeo Caramat Jr. kasunod nang paglilinaw na hindi dinismiss si Marantan.

“Iniimbestigahan ngayon ang usapin. Ang kanilang relief ay isang SOP (Standard Operating Procedure) para hindi magkaroon ng undue influence sa kaso,” dagdag ni Brig. Caramat Jr.

201

Related posts

Leave a Comment