DOJ HINDI PA MAGLALABAS NG LOOKOUT BULLETIN VS QUIBOLOY

NEGATIBO at wala pang natatanggap na kahilingan mula sa Senado ang Department of Justice (DoJ) para ilagay sa Immigration Lookout Bulletin si Pastor Apollo Quiboloy, ang tele-evangelist at nagtatag ng Kingdom of Jesus Christ.

Ayon kay DOJ Spokesman at Assistant Secretary Mico Clavano, wala pa silang natanggap na kahilingan mula sa Senado para ilagay si Pastor Quiboloy sa Lookout Bulletin.

Sinabi ni Clavano na tanging sa media nila nalaman ang mga sinabi ni Senator Risa Hontiveros na dapat isailalim sa monitoring ang tele-evangelist leader.

Sa press conference ni Senadora Hontiveros ngayong Martes, dapat aniyang imbestigahan si Quiboloy dahil sa mga sinasabing pang-aabuso sa kanyang mga kasapi.

Gaya na lamang ng sapilitang paghingi ng pera, pagpapatrabaho at sekswal na pang-aabuso sa mga batang babae.

Idinagdag ni Clavano na sakaling may dumating sa DOJ na request para ilagay ang religious leader sa Immigration Lookout Bulletin Order ay agad naman nila itong pag-aaralan.

(JULIET PACOT)

163

Related posts

Leave a Comment