DUQUE BILANG BAYANI, KINONTRA NG MGA SENADOR

0

KINONTRA ng mga senador ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ikonsiderang bayani si Health Secretary Francisco Duque III dahi sa maayos na COVID response.

Sinabi ni Senate President Tito Sotto, hindi si Duque kundi ang mga frontliners ang tunay na bayani.

“That’s his (Duterte’s) opinion, to me, the frontliners are the heroes!” saad ni Sotto.

Kinatigan naman ito ni Senador Grace Poe at ipinaalala sa pangulo na ang tunay na mga COVID-19 pandemic heroes ay ang matatapang na healthworkers na itinataya ang kanilang buhay para sa iba.

“With their hard work and resilience, we see people volunteering to make up for the inadequacies to the virus response,” diin ni Poe.

“Even as we all have been humbled by this health crisis, let us not deny our frontliners the recognition that rightfully belongs to them,” dagdag pa ni Poe.

Taliwas din ang naging pananaw ni Senador Panfilo Lacson na matatandaang una na ring nanisi kay Duque sa delayed procurement ng COVID 19 vaccines noong isang taon.

“He said that the Philippines is doing good in the fight against COVID-19 and called his health secretary a hero. What he really meant was ‘hilo’,” pahayag ni Lacson sa kanyang tweet.

Hindi rin katanggap-tanggap kay Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang sinasabing magaling na pamamahala ni Duque sa paglaban sa pandemic.

Para naman kay Senador Sherwin Gatchalian, hindi si Duque ang dapat na may kredito dahil may iba pang opisyal ng gobyerno ang patuloy na nagsisikap para sa kampanya laban sa virus.

“Just to be fair, there were several heroes who effectively contributed to the government’s response to COVID โ€” these are Sec. (Carlito) Galvez, Sec. (Vince) Dizon and all the medical frontliners,” paliwanag ni Gatchalian.

“This is a team effort. No one man can arrest a pandemic of this magnitude,” diin pa nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment