Duterte ang kinastigo ang ‘kabastusan’ sa WPS isyu LOCSIN LUMAMBOT NAG-SORRY SA CHINA

HUMINGI ng paumanhin si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa Chinese government sa mga maaanghang na pahayag nito sa kanyang tweet na may kaugnayan sa presensiya ng Chinese ships sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, personal na humingi ng dispensa o paumanhin si Locsin kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Aniya, sinabi ito sa kanya ni Locsin sa isang phone conversation kahapon ng umaga.

“Personal na pananaw po iyon. Hindi po ito polisiya ng Pilipinas,” ani Sec. Roque sa naging tweet ni Locsin na nagsasabi sa mga Chinese ships na “get the fuck out of Philippine waters.”

“Personal po siyang nag-apologize sa Chinese ambassador. Sa diplomacy, walang lugar ang pagmumura,” aniya.

Sinabi pa ni Sec. Roque na personal na desisyon at walang nag-presyur kay Locsin na humingi ng paumanhin.

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi dapat maging bastos at walang galang ang mga Filipino dahil lamang sa ‘overlapping claims’ ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS).

Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay matapos magpalabas ng matatapang na salita ang kanyang mga alter ego na sina Locsin at Defense Secretary Delfin Lorenzana, kaugnay sa pananatili ng Chinese ships sa WPS.

“China remains to be our benefactor and just because, if I may just add something to the narrative, just because we have a conflict with China does not mean to say we have to be rude and disrespectful,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.

“As a matter of fact we have many things to thank China for in the past and itong tulong nila ngayon,” dagdag na pahayag nito.

Sa nagdaang Talk To The People ni Pangulong Duterte ay sinabi nito na isang mabuting kaibigan ang China.

Pinanindigan din ng Chief Executive na hindi makikipaggiyera ang Pilipinas sa China dahil lamang sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea. (CHRISTIAN DALE)

39

Related posts

Leave a Comment