DYOWA BINARIL NG RET. COP, SUSPEK NAG-SUICIDE

LAGUNA – Patay ang isang babae matapos na barilin ng karelasyon na retiradong pulis na namatay rin makaraang magbaril sa sarili sa sa Brgy. San Crispin, San Pablo City, sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang dalawang namatay na sina Analyn Bagasila Gonzales, 36, ng Brgy. Sto. Cristo, San Pablo City, at Sanie Catapang Mercado, 60, retired police, at residente ng Brgy. San Felix, Sto. Tomas, Batangas.

Batay sa report, mag-aalas-otso ng gabi, nag-iinuman ang mag-partner nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.

Habang nagtatalo, nagbunot ng .45 kalibreng baril ang lalaki at pinaputukan ang biktima. Nang makitang bumulagta ang babae ay nagbaril sa kanyang ulo ang lalaki.

Dead on the spot ang dating pulis habang isinugod sa ospital ang babae subalit idineklarang dead on arrival ng doktor. (NILOU DEL CARMEN)

312

Related posts

Leave a Comment