EKONOMIYA LALAKAS NA – PBBM

SANDALING panahon na lang ang  ipaghihintay ng publiko at mararamdaman na ng mga ito ang epekto ng paglago ng ekonomiya sa bansa.

“Kaunting panahon na lang ay madadama na natin ang magagandang epekto nito sa ating ekonomiya at sa kabuhayan ng ating mga kababayan ,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang official Facebook page.

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay matapos nitong  iwelcome  ang report na ang investments na nakarehistro sa  Board of Investments (BOI) ay pumalo na sa P414 billion sa unang 40 araw ng 2023.

Ang halagang ito ay ipinagpapalagay sa 40% ng P1 trillion investment target para sa taong kasalukuyan.

Nauna rito, sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual, chairman ng BOI, ang binago kasi ang investment approval targets ng ahensiya mula P1 trillion hanggang P1.5 trillion ngayong taon.

“Given the strong investment approvals for January, as well as the robust pipeline of investment leads, including those generated (through) Presidential visits, I have increased the 2023 investment registration target of BOI from PHP1 trillion to PHP1.5 trillion,” ayon kay Pascual base sa kalatas na ipinalabas ng BOI.

Nito lamang Martes, tinawagan ng pansin ni Pangulong Marcos ang mga pangunahing ahensiya ng gobyerno na paigtingin ang pagsisikap na iangat ang economic condition ng mamamayan, sabay sabing ang kanilang pagsusumikap ay mapupunta lamang sa wala kung hindi mararamdaman ng mga ordinaryong Pilipino.

Bagama’t marami aniyang mga plano para palakasin at palaguin ang ekonomiya, sinabi ng Pangulo na “these gains would only matter if it trickles down to the people, especially the poor.”
“Sabihin na natin gumanda nang husto ang ekonomiya ng Pilipinas, hindi naman bumababa at hindi naman nararamdaman ng taong-bayan eh sayang lang ang ating naging trabaho. Iilan lang ang yumayaman,” ayon sa Pangulo. (CHRISTIAN DALE)

48

Related posts

Leave a Comment