EX-BOC COLLECTOR, 1 PA TIMBOG SA EXTORTION

SWAK sa selda ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dating collector ng Bureau of Customs, kasama ang dating empleyado ng business tycoon na si Lucio Tan, sa inilatag na entrapment operation sa waiting shed ng Century Park Hotel sa Vito Cruz St., Malate, Manila noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ni NBI Director Medardo De Lemos ang mga suspek na sina Atty. Juan Natividad Tan, dating Customs Collector sa Lalawigan ng Batangas, at ang negosyanteng si Benjamin Sebastian.

Base sa ulat ng NBI Anti-Organized & Trans-national Crime Division (AOTCD) bandang alas-1:45 ng hapon nang isagawa ang entrapment operation.

Nabatid sa report ng NBI, nag-ugat ang operasyon dahil sa reklamo ng isang kawani ng kompanya ng negosyanteng si Lucio Tan.

Salaysay ng nagrereklamo, humihingi umano ng halagang P11 million ang dalawang suspek upang ipang-areglo sa mga problema sa imports ng kompanya.

Bunsod nito, ikinasa ng NBI ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek. (RENE CRISOSTOMO)

30

Related posts

Leave a Comment