FISHING BOAT BINANGGA SA LAOT, 1 MISSING

INATASAN ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Ronnie Gil L. Gavan, ang BRP Sindangan (MRRV-4407) na magsagawa ng search and rescue (SAR) operation para sa nawawalang mangingisdang Pilipino sa karagatan ng southeast ng Sampaloc Point sa Subic, Zambales.

Sinabi ni PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo, ang Filipino fishing boat, FBCA John Robert, ay binangga ng hindi pa natutukoy na sasakyang-dagat, dahilan para ito ay lumubog.

“47-year-old Robert Mondoñedo survived the incident but his brother, Jose Mondoñedo, remains missing,” sabi ni CG Rear Admiral Balilo.

Noong Hulyo 1, 2024, ang dalawang mangingisda ay umalis sa Barangay Wawandaue, Subic, patungo sa kanilang payao sa kalapit na karagatan sa Sampaloc Point para sa isang aktibidad sa pangingisda.

Isinalaysay ni Robert Mondoñedo na ang hindi pa natutukoy na barko ay tumama sa kanilang bangkang pangisda bandang alas-3:00 ng hapon noong Hulyo 3, 2024.

Tatlong araw siyang nakahawak sa kanilang payao hanggang sa dumaan ang FBCA Irish Mae sa katubigan ng paligid at nailigtas siya noong Hulyo 6 ng umaga.

Dumating ang FBCA Irish Mae sa Barangay Wawandaue bandang alas-6:30 ng hapon.

Ibinahagi ni Balilo na ang Coast Guard Station (CGS) Zambales ay agad nagbigay ng abiso sa mga mandaragat, gayundin ay nakikipag-ugnayan sa mga karatig barangay at lokal na mangingisda para sa posibleng kinaroroonan ng nawawalang mangingisda. (JOCELYN DOMENDEN)

38

Related posts

Leave a Comment