FL LIZA SINORPRESA NG DINNER NI PBBM

SINORPRESA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang asawa na si Unang Ginang Maria Louise “Liza” Araneta-Marcos na nagdiwang ng kanyang ika-63 taong kaarawan.

Sa kanyang lingguhang BBM vlog na pinost, Lunes ng umaga, ibinahagi ni Pangulong Marcos kung paano ang kanyang pamilya, kaibigan at mga kasama ay nagtulong-tulong para maging matagumpay ang kanyang pa-sorpresang birthday dinner para sa asawa.

“To my beloved wife, words have already been said as to how valuable she is as a person and how remarkable she really is. Sometimes it’s really hard to believe that she did me a favor of marrying me,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang talumpati sa birthday dinner.

Kinantahan naman ni Pangulong Marcos ang asawa ng “Never Let Her Slip Away” ni Andrew Gold.

Dumalo sa nasabing event ang tatlo nilang anak na sina Ilocos Norte First District Representative Ferdinand Alexander “Sandro”, Joseph Simon, at William Vincent. (CHRISTIAN DALE)

12

Related posts

Leave a Comment