GANG MEMBER NAG-ALA RAMBO

ARESTADO ang isang 40-anyos na miyembro ng Sigue Sigue Commando gang makaraang ala-Rambo na nagpaputok ng sumpak at naghamon ng away sa Pandacan, Manila noong Martes ng gabi,

Binitbit ng mga tauhan ng MPD-Pandacan Police Station 10 ang suspek na kinilalang si Alfredo Moreno y Flores, binata, ng #2611 G2 Alley 1, Jesus St., Pandacan, Manila.

Batay sa ulat na isinumite nina P/Cpl. Redford Ebanio at P/Cpl. John Kevin Dudang, kapwa nakatalaga sa Station Drug Enforcement Team, na pinangungunahan ni P/Lt. Michael Oxina, bandang alas-8:30 ng gabi, nagsagawa ng surveillance operation ang mga awtoridad  sa isang eskinita sa Jesus St. sakop ng Brgy. 836, Zone 91 laban sa isang alyas “Al”. Habang papasok ang mga pulis sa isang eskinita sa Jesus St. nang makarinig sila ng malakas na putok ng baril.

Agad nagresponde ang mga awtoridad at naaktuhan si Moreno habang armado ng sumpak at naghahamon ng away.

Bukod sa sumpak, nakumpiskahan din ang suspek ng isang sachet ng umano’y shabu.

Ang suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition), RA9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at alarms and scandal for indiscriminate firing. (RENE CRISOSTOMO)

68

Related posts

Leave a Comment