GINANG INARESTO SA ONLINE LIBEL

INARESTO ng mga tauhan ng Manila District Anti-Cybercrime Team, kasama ang ilang mga tauhan ng Manila Police District – Station 4, ang isang 49-anyos na ginang dahil sa kasong online libel, sa Sampaloc, Manila, nitong Biyernes ng tanghali, Setyembre 23.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jay D. Guillermo, OIC ng Regional Anti-Cybercrime Unit ng NCRPO, ang suspek na si alyas “Lyca Dela Rosa”, may asawa, ng Montaña St., Sampaloc.

Base sa ulat ni P/Major Reynaldo T. Salim, team leader ng MDACT, bandang alas-11:00 ng tanghali nang arestuhin ang ginang sa Sampaloc, Manila.

Nauna rito, nakipagkoordina si Major Salim sa tanggapan ni P/Lt. Col. Paul Jay Doles, commander ng MPD-Station 4, hinggil sa pag-aresto sa ginang sa kanyang nasasakupan

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Maria Victoria S. Villadolid, ng Regional Trial Court, Branch 24 ng Manila, dahil sa kasong paglabag sa Section 4c (4) (Online Libel) ng Republic Act ng  10175 .

Inirekomenda ng korte na maglagak ng piyansang P10,000 para sa pansamantala ng paglaya ng suspek. (RENE CRISOSTOMO)

Related posts

Leave a Comment