GRADE 11 SWAK SA DROGA

SA halip na paaralan, kulungan ang pinasukan ng isang grade 11 na estudyante matapos matimbog sa pagtutulak ng marijuana sa bayan ng San Antonio sa lalawigan Quezon.

Sa imbestigasyon ng San Antonio Police, dinakma sa buy-bust operation na ikinasa sa Barangay Callejon ang hindi pinangalang suspek sa aktong pagbebenta ng marijuana sa isang operatibang nagpanggap na bibili ng droga.

Nakuha sa pag-iingat ng 17-anyos na suspek ang 5.3 gramo ng marijuana na may katumbas na P2,000.

Agad naman inilipat sa lokal na tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang estudyante matapos matuklasan menor de edad pala ang suspek.

Samantala, nanawagan ang pulisya sa mga magulang na subaybayan ang kanilang mga menor de edad na supling, kasabay ng pakiusap na isuko agad sa sandaling masadlak sa ipinagbabawal na gamot. (NILOU DEL CARMEN)

167

Related posts

Leave a Comment