GRADUATION WATCH ISSUE CLOSED BOOK NA – AFP

NILINAW ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippine na “closed book” na ang isyu hinggil sa paghingi sa suot na relo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang graduation ceremony, kung ito man umano ang tinutukoy ni Vice President Sara Duterte kaya naglaro sa kanyang isipan na pugutan ng ulo ang pangulo at itapon ito.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, hindi nila alam kung ito nga ang tinutukoy ng pangalawang pangulo subalit kung ito man ang sinasabing insidente ay matagal nang sarado ang nasabing usapin.

“This is an isolated incident. It has already been dealt with. It’s already a closed book on our side po,” ani Col. Padilla sa ginanap na regular press briefing ng AFP kahapon kung saan kinumpirma na may isang kadete ng PMA ang sumubok na hingiin umano ang suot na relo ng commander in chief.

Paliwanag pa ng tagapagsalita, “Hindi ito tradition sa Philippine Military Academy ano so we have been there, we graduated there through the years. This is not a tradition that we uphold.”

Bago pa umano lumutang ang isyu na binanggit ni VP Sara ay nakarating na sa pamunuan ng AFP at PMA ang insidente at agad na itong natugunan at pinatawan ng kaukulang kaparusahan ang nasabing kadete na hindi na kinilala.

“Opo, he was admonished for his actions, and that occurred since May po ano nung graduation. So it was already dealt with according to regulations of the Armed Forces of the Philippines and the Philippine Military Academy,” aniya pa.

Sinasabing hindi ito tradisyon subalit napag-alaman na may pangyayari din na ibinigay ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang suot na relo sa isang graduating cadet.

Subalit nilinaw ng tagapagsalita na hindi nila alam ang buong detalye hinggil dito, kung hiningi ba ito ng kadete kay FPRRD o kusa niya itong ibinigay.

“So let’s not correlate the same issues together. As I said, the AFP has already acted on it, and it’s a closed book. We have already implemented the rules and regulations accordingly,” ani Col. Padilla. (JESSE KABEL RUIZ)

59

Related posts

Leave a Comment