GRANADA, GRENADE LAUNCHER NAHUKAY SA SUBDIBISYON

CAVITE – Isang granada at isang grenade launcher ang nahukay sa isang subdibisyon sa Bacoor City noong Huwebes ng hapon.

Nasa kustodiya na ng Bacoor City Explosive Ordnance Division (EOD) ang nasabing natagpuang granada at grenade launcher.

Ayon sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon habang naghuhukay ng lupa ang mga trabahador ng Maynilad sa loob ng Clubhouse Town and Country West Subdivision sa Brgy. Molino 3, Bacoor City, nang nahukay ng mga ito ang isang granada at dalawang grenade launcher.

Agad namang ipinaalam ng mga trabahador kay Mark De Leon, Engineer ng Maynilad, ang insidente, at ini-report sa Town and Country Homeowners Association na siya namang nag-report sa Bacoor Component City Police Station.

Hawak na ng EOD ang nasabing granada at grenade launcher.

(SIGFRED ADSUARA)

108

Related posts

Leave a Comment