Guidelines inilabas ng Malakanyang BAGONG ALERT LEVEL SA NCR PAIIRALIN SA SEPT. 16

0

IPINALABAS na ng Malakanyang ang guidelines ng bagong alert level systems bilang polisiya para sa lockdown na magkakaroon ng pilot run sa Kalakhang Maynila simula Setyembre 16, 2021.
Sa isang kalatas, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang guidelines ay makatutulong para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus variants.

“In this new classification framework, we proactively advocate the Principles of 3C’s (Closed, Crowded and Close Contact) Strategy, which shall be applied in Metro Manila starting September 16, 2021,” ayon kay Sec. Roque.

Sa ilalim ng Inter-Agency Task Force guidelines, magiging sakop ng alert level systems ang buong lungsod o munisipalidad na siyang magma-manage para mabawasan ang pagkalat ng infections.

Ang bawat lungsod o munisipalidad ay ika-classify bilang Alert Level 1 hanggang Alert Level 5.

Ang Department of Health naman ang magtatalaga ng mga nasabing alert level systems.

Ito aniya ay iba pa sa granular lockdowns, na tumutukoy sa micro-level quarantine para sa mga lugar na classified bilang “critical zones” ng local government unit.

Ito naman ang panuntunan para sa bawat alert level system:

Alert Level 1

Para sa alert level 1, ito ang mga lugar na may mababang case transmission, bed utilization rate at intensive care unit utilization rate.

Ang galaw ng mga tao ay papayagan maliban sa “reasonable restrictions” pagdating sa mga aktibidad at espasyo na “closed, crowded, or enable close contact”.

Maliban doon sa mga matatagpuan sa lugar na nasa ilalim ng granular lockdowns, ang lahat ng establisimyento, tao at aktibidad ay pinapayagan mag-operate, magtrabaho , o “be undertaken at full on-site or venue/seating capacity provided it follows minimum health standards.”

Alert Level 2

Alert Level 2 areas naman iyong mayroong mababang case transmission, health care utilization ay mababa o case counts ay mababa subalit tumataas o case counts ay mababa at bumababa subalit ang kabuuang bed at intensive care unit occupancy rate ay tumataas.

Ang galaw ng tao ay pinapayagan maliban sa reasonable restrictions. Pinapayagan din ang mga ito na magkaroon ng access sa essential goods and services o para sa trabaho sa permitted industries at offices.

Ang Intrazonal at interzonal travel para sa mga tao ay hindi naman nire-require na manatili sa kanilang tahanan, papayagan ang mga ito “subject to the reasonable regulations of the LGU of destination.”

Ang mga individual outdoor exercises ay papayagan sa lahat ng edad kahit pa ito ay may comorbidities o anoman ang vaccination status.

Ang business establishments na may Safety Seal Certifications ay papayagan na mag-operate at may karagdagang 10 percentage points na lampas sa prescribed on-site or venue/seating capacity.

Ang mga ahensiya at instrumentalities ng pamahalaan ay mananatili na fully operational at kailangan na sumunod sa 50% on-site capacity habang ina-apply ang work-from-home at iba pang flexible work arrangements.

Maliban na lamang doon sa nasa ilalim ng granular lockdowns, ang mga sumusunod ay pinapayagan na mag-operate, magtrabaho o “be undertaken at a maximum of 50% on-site or venue/seating capacity:

Indoor visitor o tourist attractions, libraries, archives, museums, galleries, at cultural shows at exhibits;Indoor venues para sa mga meetings, incentives, conferences, events (MICE);
Indoor entertainment venues na may live performers gaya ng karaoke bars, clubs, concert halls, theaters, at sinehan ;
Amusement parks o theme parks, funfairs/peryas, kid amusement, industries gaya ng playgrounds, playroom, at kiddie rides;
Indoor recreational venues gaya ng internet cafes, billiard halls, amusement arcades, bowling alleys, at kahalintulad na venues;
Indoor limited face to face o in-person classes, examinations, at iba pang education-related activities sa lahat ng antas;
Casinos, horse racing, cockfighting at operasyon ng sabong, lottery and betting shops, at iba pang gaming establishments;

In-person religious gatherings;

Gatherings o pagsasama-sama para sa necrological services, wakes, inurnment, at funerals para sa mga namatay na ang dahilan ay hindi COVID-19;
Social events gaya ng subalit hindi limitado sa o concerts and parties, wedding receptions, engagement parties, wedding anniversaries, debut at birthday parties, family reunions, at bridal or baby showers, at gatherings sa residences na may ibang tao o hindi kabilang sa immediate household;
Indoor dine-in services ng food preparation establishments gaya ng commissaries, restaurants, at eateries o kainan;
Indoor sports courts o venues, fitness studios, gyms, spas o iba pang indoor leisure centers o facilities, at swimming pools;
Personal care services. kabilang na rin ang establisimyento na nagbibigay ng tanning services, body piercings, tattooing, at kahalintulad na serbisyo.

Alert Level 3

Ang mga lugar na nasa ilalim ng alert level 3 ay iyong may mataas na case count at o tumataas na utilization rate para sa kabuuang beds at intensive care units.
Ang galaw ng mga tao ay pinapayagan maliban “for reasonable restrictions” base sa edad at comorbidities. “Provided, that they shall be allowed access to obtain essential goods and services, or for work in permitted industries and offices.”
Ang Intrazonal at interzonal travel para sa mga tao ay hindi nire-require na manatili sa kanilang tahanan at papayagan “subject to the reasonable regulations of the LGU of destination.”
Ang Individual outdoor exercises ay papayagan para sa lahat ng may edad anoman ang kanilang comorbidities o vaccination status.
Samantala, ang operasyon ng indoor entertainment venues gaya ng mga sinehan, venues na may live performers gaya ng karaoke bars, bars, clubs, concert halls, theaters, at outdoor at indoor amusement parks o theme parks, funfairs/peryas, kid amusement industries gay ng playgrounds, playroom, at kiddie rides ay mananatiling bawal.
Ang mga ahensiya at instrumentalities ng pamahalaan ay papayagan mag-operate ng 30% on-site capacity habang ina-apply ang work-from-home at iba pang flexible work arrangements.
Maliban para sa mga granular lockdown areas, ang mga sumusunod na establisimyento ay papayagan mag-operate ng 30% capacity:
Ang Indoor visitor o tourist attractions, libraries, archives, museums, galleries, at cultural shows at exhibits;
Indoor venues para sa mga meetings, incentives, conferences, events (MICE);
Indoor recreational venues gaya ng internet cafes, billiard halls,
amusement arcades, bowling alleys, at kahalintulad na venues,
Indoor face to face o in-person examinations na inaprubahan ng IATF;
Casinos, horse racing, cockfighting at operasyon ng sabong, lottery at betting shops, at iba pang gaming establishments;

In-person religious gatherings;

Gatherings o pagsasama-sama para sa necrological services, wakes, inurnment, at funerals na namatay maliban sa COVID-19;
Ang social events gaya ng subalit hindi limitado sa concerts at parties, wedding receptions, engagement parties, wedding anniversaries, debut at birthday parties, family reunions, at bridal o baby showers, motorcades, at gatherings sa bahay na may kasamang hindi miyembro ng immediate family;
Indoor dine-in services ng food preparation establishments gaya ng commissaries, restaurants, at eateries;
Indoor sports courts o venues, fitness studios, gyms, spas o iba pang indoor leisure centers o facilities, at swimming pools;
Personal care services kabilang na ang beauty salons, beauty parlors, medical aesthetic clinics, cosmetic o derma clinics, makeup salons, nail spas, reflexology, aesthetics, wellness, at holistic centers, at iba pang kahalintulad na establishments; acupuncture at electrocautery establishments, at massage therapy kabilang na ang including sports therapy establishments. kabilang din dito ang establisimyento na nagbibigay ng tanning services, body piercings, tattooing, at kahalintulad na serbisyo.

Alert Level 4

Ang mga lugar naman na nasa ilalim ng areas Alert Level 4, ang case counts ay mataas at tumataas habang ang kabuuang beds at ICU beds ay mataas ang utilization rate.

Ang mga hindi naman papayagan na lumabas ng kanilang bahay ay ang mga taong below eighteen (18) years old, iyong over 65 years old, mayroong immunodeficiencies, comorbidities, at iba pang health risks, at mga buntis;” provided, that they shall be allowed access to obtain essential goods and services, or for work in permitted industries and offices.”

Ang Intrazonal at interzonal travel para sa mga tao ay hindi kinakailangan na manatili sa kanilang tahanan at papayagan “subject to the reasonable regulations of the LGU of destination.”

Ang Individual outdoor exercises ay pinapayagan sa lahat ng edad maging anoman ang comorbidities o vaccination status subalit dapat na limitado “within the general area of their residence, e.g. within the barangay, purok, subdivision, and/or village.”

Outdoor o al fresco dine-in services sa restaurants at eateries ay papayagan na mag-operate na may maximum na 30% venue/seating capacity maging anuman ang vaccination status.

Indoor dine-in servicesay papayagan sa limited 10%  venue/seating capacity subalit mgki-cater lamang sa mga indibidwal na fully vaccinated laban sa COVID-19 “in addition to their allowed outdoor or al fresco capacity. ” Ang kanilang mga manggagawa ay kailangan na fully vaccinated laban sa COVID-19.

Ang Personal care services ay limitado sa barber shops, hair spas, nail spas, at beauty salons ay papayagan na may maximum na 30% venue/seating capacity kung ng nasabing serbisyo ay isinagawa maliban kung anuman ang vaccination status.

Ang mga establisimyentong ito ay pinapayagan na mag-operate sa limitadong 10% indoor venue/seating capacity subalit ang iki- cater lamang ay ang mga indibidwal na fully vaccinated laban sa COVID-19 “in addition to their allowed outdoor capacities.”

Government agencies ay mago- operate ng 20% capacity habang ina-apply ang ork from home arrangements.

In-person religious gatherings ay papayagan sa maximum na 30% venue/seating capacity kapag ginawa outdoors maging anuman ang vaccination status.

“These gatherings may be allowed at a limited 10% venue/seating capacity but may accommodate only individuals who are fully vaccinated against COVID-19 in addition to their allowed outdoor capacities,” ayon pa rin sa bagong guidelines.

“Provided, that pastors, priests, rabbis, imams, or other religious ministers and the assistants of these religious congregations have been fully vaccinated against COVID-19,” nakasaad pa rin sa bagong guidelines.

Gatherings para necrological services, wakes, inurnment, funerals para sa mga namatay maliban sa COVID-19 ay papayagan, “provided that the same shall be limited to immediate family

members, upon satisfactory proof of their relationship with the deceased and with full compliance with the prescribed minimum public health standards.”

Ang mga sumusunod na arrangements at establishments ay pinagbabawalan;
Indoor visitor o tourist attractions, libraries, archives, museums, galleries, at cultural shows at exhibits;
Indoor venues for meetings, incentives, conferences, events (MICE);
Indoor entertainment venues gaya ng mga sinehan at venues na may live performers gaya ng karaoke bars, bars, clubs, concert halls, at theaters;
Outdoor at indoor amusement parks o theme parks, funfairs/peryas, kid amusement industries gaya ng playgrounds, playroom, at kiddie rides;
Indoor recreational venues gaya ng internet cafes, billiard halls, amusement arcades, bowling alleys, at kahalintulad na venues;
Indoor limited face to face or in-person classes, examinations, at iba pang education-related activities sa lahat ng antas maliban sa dati nang inaprubahan ng IATF at/o ng Office of the President;
Casinos, horse racing, cockfighting at operasyon ng sabong, lottery at betting shops, at iba pang gaming establishments maliban sa pinayagan ng IATF o Office of the President;
Social events gaya ng subalit hindi limitado sa concerts at parties, wedding receptions, engagement parties, wedding anniversaries, debut at birthday parties, family reunions, at bridal o baby showers, parades, processions, motorcades, at gatherings sa loob ng bahay kasama ang hindi miyembro ng immediate family;
Indoor sports courts o venues, fitness studios, gyms, spas o iba pang indoor leisure centers o facilities, at swimming pools;

“All contact sports, except those conducted under a bubble-type setup as provided for under relevant guidelines adopted by the IATF, and approved by the LGU where such games shall be held;,” ang nakasaad sa bagong guidelines.

Personal care services, kabilang na ang medical aesthetic clinics, cosmetic o derma clinics, makeup salons, reflexology, aesthetics, wellness, at holistic centers, at iba pang kahalintulad na establisimyento ; acupuncture and electrocautery establishments, at massage therapy kabilang na ang sports therapy establishments. Kabilang na rito ang nagbibigay ng tanning services, body piercings, tattooing, at kahalintulad na serbisyo. hindi rin pinapayagan ang Home service para sa mga aktibidad na ito.

Specialized markets ng Department of Tourism gaya ng Staycations;

“However, except those located in areas covered by granular lockdowns, all other establishments, or activities not otherwise specified in Section 3(4) may be allowed to operate or be undertaken at 100% on-site or venue/seating capacity, provided they implement the minimum public health standards,” ang nakasaad pa rin sa guidelines.

Alert Level 5

Ang Alert level 5 areas ay iyon namang may mataas na case counts na may critical utilization rate para sa intensive care units at maging sa COVID-19 beds.

“Areas placed under Alert Level 5 shall observe the guidelines applicable to Enhanced Community Quarantine as provided for under the IATF Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine in the Philippines, as amended,” ang nakasaad sa guidelines. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment