MAGPAPATULOY sa pag-ulan dulot ng habagat gayundin sa pamumuno ng bagyong ‘Hanna’ sa Luzon.
Gayunman, hindi tatama sa lupa ang bagyo at ang ulan na nararanasan sa ilang bahagi ng Luzon ay dulot lamang ng habagat, ayon sa weather bureau Linggo ng umaga.
Sinabi ng Pagasa na si ‘Hanna’ ay namataan sa 1,095 kilometers east ng Infanta, Quezon, na may lakas ng hangin na 55 km per hour (kph) at pagbugso na 70 kph.
Tinatayang lalabas ito ng bansa sa Biyernes habang patuloy na kumikilos sa west northwest sa 15 kph.
Ang Metro Manila, MIMAROPA, Bataan, Zambales, Cavite, Laguna at Batangas ay makararanas ng katamtaman hanggang sa mabigat na monsoon rains, ayon pa sa Pagasa.
Ang Ilocos region, Cordillera Administrative Region, Western Visayas at ang iba pang bahagi ng central Luzon ay makararanas ng mga pag-ulan at thunderstorms dahil sa southwest monsoon.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng pag-ulan at thunderstorms dahil kay ‘Hanna’.
344