(NI DAHLIA S. ANIN/PHOTO BY ITOH SON)
LUMABAS na kaninang madaling araw sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Hanna, pero patuloy pa rin ang pag ulan sa bansa dala ng ng hanging Habagat.
Mananatiling maulap ang kalangitan na may kasamang pag ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region kasama din ng Central Luzon sa susunod na 24 oras, ayon sa Pagasa.
Bagama’t nakalabas na sa PAR ang bagyong Hanna, ay patuloy nitong hinihigop ang hangin mula sa Timog Kanluran na siyang nagdadala ng malakas na pag-ulan sa mga kalupaan.
Binabantayan ngayon ng weather bureau ang isang pang weather disturbance na may international name na typhoon Krosa.
Sa ngayon ay wala pa itong direktang epekto sa bansa at kumikilos ito patungong Hilagang Silangan, ngunit sa kanyang pagtahak sa direksyong ito ay maari pa din niyang mahila ang Southwest monsoon o hanging Habagat na muling magdadala sa ating mahina at malakas na pag-ulan.
188