Heightened restrictions sa GCQ patuloy BAWAL PA RING MAMASYAL

0

(CHRISTIAN DALE)

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Huwebes ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay ang National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) subalit patuloy na iiral ang heightened restrictions mula Mayo 15 hanggang 31, 2021.

Isinailalim din sa GCQ status mula Mayo 15 hanggang 31, 2021, ang mga lugar sa ilalim ng Cordillera Administrative Region, gaya ng Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga, Mountain Province at Abra; Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya sa Region 2; Batangas at Quezon sa Region 4-A; Puerto Princesa sa Region 4-B; Iligan City sa Region 10; Davao City sa Region 11; at Lanao del Sur sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ang City of Santiago at Quirino Province sa Region 2; Ifugao sa Cordillera Administrative Region; at Zamboanga City sa Region 9 ay isinailalim naman sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula Mayo 15 hanggang 31, 2021.

Ang iba pang lugar ay isinailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) hanggang sa katapusan ng buwan.

Ukol naman sa heightened restrictions sa NCR Plus, tanging ang essential travel na papasok at lalabas ng NCR Plus ang papayagan.

Mananatili namang operational ang public transportation.

“At such capacities and protocols in accordance with the Department of Transportation guidelines while the use of active transportation shall be promoted,” ang utos ng IATF.

Bukod dito, ang lahat ng indoor dine-in services sa NCR Plus ay kailangan na hanggang 20% venue o seating capacity habang ang outdoor o al fresco dining ay hanggang 50% venue o seating capacity.

Ang outdoor tourist attractions sa NCR Plus, sa kabilang dako ay maaaring buksan ng hanggang 30% lamang na may mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards.

Pinapayagan din sa NCR Plus ang specialized markets ng Department of Tourism (DOT) kasunod ng minimum public health standards at implementasyon ng protocols at restrictions na itinakda ng DOT.

Ang religious gatherings at gatherings para sa necrological services, lamay, internment at libing maliban sa mga nasawi sa COVID-19 sa NCR Plus ay papayagan ng hanggang 10% ang venue capacity.

Gayundin, patuloy na pinapayagan sa GCQ areas na may heightened restrictions ang non-contact sports sa outdoor contact sports, games, scrimmages; at personal care services na aprubado para sa serbisyo na hindi nire-require ang mask removal, gaya ng salons, parlors, beauty clinics, na may hanggang 30% capacity.

Ang mga indibiduwal na may edad 18-65 ay maaari nang lumabas ng kanilang bahay sa GCQ areas na may heightened restrictions.
Samantala, ang mga entertainment venues, gaya ng bars, concert halls, theaters, at iba pa; recreational venues, gaya ng internet cafes, billiards halls, arcades, at iba pa; amusement parks, fairs, playgrounds, kiddie rides; indoor sports courts at venues at indoor tourist attractions; venues para sa meetings, conferences, exhibitions ay hindi naman papayagan sa ilalim ng “GCQ areas with heightened restrictions.”

Ang Interzonal travel mula NCR Plus areas, maliban sa mga Authorized Persons Outside Residence (APORs), ay mananatiling ipinagbabawal sa GCQ areas na may hightened restrictions.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment