HIGIT 500K PFIZER VACCINE DOSES PARATING

INAASAHAN ng Pilipinas na makatatanggap ito ng 562,770 Pfizer doses ngayong Biyernes ng gabi.

Ang shipment ay bahagi ng 40 million doses ng COVID-19 vaccines na binili ng gobyerno mula sa American pharmaceutical giant, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ang delivery ay kinokonsiderang “ahead of schedule” taliwas sa naunang pahayag ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ang delivery mula sa Pfizer ay magsisimula sa Agosto.

Ang supply agreement sa Pfizer ay “the biggest and most decisive deal we had for 2021,” ayon kay Galvez.

Sa kabilang dako, inaasahan din ng bansa na makatatanggap ito ng 1.5 million doses mula sa Sinovac, bukas, Hulyo 22 at isa pang 1 million doses mula sa Chinese drug maker sa darating na Hulyo 23, ayon kay Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

Related posts

Leave a Comment