HIGIT P2 MILLION LBS NG RELIEF GOODS NAIHATID NG AFP SA TYPHOON-HIT PROVINCES

INIULAT kahapon ng Armed Forces of the Philippines na umaabot na sa mahigit 2.376-million libras (lbs/pounds) ng relief goods ang naihatid sa mga lalawigan na naapektuhan ng Typhoon Odette hanggang noong Pasko, December 25.

Nabatid na sa utos ni AFP Chief of Staff LtGen. Andres C. Centino PA, ay minobilisa ng tatlong Major Services ang may 15 air assets at 13 naval vessels para sa AFP’s humanitarian assistance and disaster response operations.

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Col. Jorry Baclor, pinakamalaking bulto ng tulong at relief goods at assets na umaabot sa 2.190-million lbs ang naihatid ng Philippine Navy.

Habang ang PAF air assets na kinabibilangan ng isang C-130 at walong S70i Blackhawk helicopters ay nakapaglipad ng mahigit 186,282 lbs ng relief.

Habang umaabot naman sa 394 locally stranded individuals ang naihatid ng AFP sa pamamagitan ng pagkakaloob ng transportation assistance.

Nanatiling nakadeploy ang 122 disaster response teams, na may 85 officers at 799 enlisted personnel mula sa Visayas Command, Eastern Mindanao Command, at Western Command habang kasama pa ring kumikilos ang 101 CAFGU Auxiliary at 361 reservists. (JESSE KABEL)

7

Related posts

Leave a Comment