HIGIT P5-B AYUDA SA 9.8M PAMILYA INILABAS NA NG DBM

MAY go signal na ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang paglalabas ng Special Allotment Release Order na tinatayang aabot sa P5.2 bilyon para sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang nabanggit na halaga ay para sa ikatlong tranche ng Targeted Cash Transfer Program na kung saan makikinabang ang nasa 9.8 million identified beneficiaries.

Ang P5.2 bilyon budget sa TCT program ay bahagi ng 9.1 billion na computed requirement para mapunan ang one-month grant para sa 9.8 milyong benepisyaryo.

Sa ilalim ng TCT Program, P500.00 kada buwan ang matatanggap ng bawat benepisyaryo na tatagal hanggang anim na buwan. (CHRISTIAN DALE)

37

Related posts

Leave a Comment