Hindi inendorso kaya ‘di dapat kiligin SOTTO KINILITI LANG NI PDU30

0

NILINAW ng Malakanyang na hindi pag-endorso kay Senate President Vicente Sotto III ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte rito na maaaring maging “good vice president” ang senador.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi rin ito nangangahulugan na umatras na ang chief executive sa posibleng pagtakbo bilang bise-presidente sa 2022 elections.

“Hindi naman po, I think kinikiliti lang niya si Senate President kasi naririyan siya at they had of course an occasion to meet dahil siya yung sumalubong sa Kongreso,” ani Sec. Roque.

“Kumbaga, he’s just encouraging Senate President to pursue his political plans dahil sa demokrasya naman, importante na merong pagpipilian ang taumbayan,” dagdag na pahayag nito.

Samantala,kinumpirma ni Sotto ang pagtakbo nila ni Senator Ping Lacson sa 2022 elections. Si Lacson ay tatakbong presidente at si Sotto naman ang kanyang magiging running mate. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment