“LAGING bukas po ang aming libro sa Commission on Audit (COA).”
Ito ang tiniyak kahapon ni House Secretary General Reginald Velasco, kasunod ng pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ang Kongreso ang dapat ma-audit dahil marami umano itong itinatagong ‘pork barrel.’
Ayon kay Velasco, ang House of Representatives, sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay may kasunduan kay dating Pang. Duterte na ang mga government expenditures ay magiging transparent at fully auditable.
Nilinaw rin niya na ang Kamara ay walang anomang confidential at intelligence funds.
Aniya pa, lahat din ng line items sa kanilang budget ay isinasailalim sa regular accounting at auditing rules and regulations.
“The House of Representatives, under the leadership of Speaker Martin Romualdez, is in agreement with former President Rodrigo Roa Duterte that government expenditures should be transparent and fully auditable,” aniya pa, sa isang pahayag.
“The House has no confidential and intelligence funds. All line items in our budget are subject to regular accounting and auditing rules and regulations. Laging bukas po ang aming libro sa Commission on Audit,” dagdag pa niya.
Base rin aniya sa pinakahuling COA report na inilabas nito lamang Oktubre 2, ang House of Representatives ay walang anomang disallowances at wala ring notice of suspension at notice of charge.
Nangangahulugan lamang aniya ito na pasado sila sa isinagawang auditing ng COA.
167