HUMAN TRAFFICKING VICTIM PINAGTRABAHO SA CLUB SA MALAYSIA

PINABALIK sa bansa ang isang babaeng biktima ng human trafficking matapos na pwersahang ilegal na pinagtrabaho nang walang dokumento bilang entertainer sa isang club sa Malaysia.

Kinilala ang biktimang si “Sarah”, 24, umalis ng bansa noong Pebrero 2024 patungong Singapore bilang katulong sa isang pamilya na nagdala sa kanya.

Gayunman, inamin nito na ni-recruit siya ng isa pang Filipina bilang waitress sa Malaysia at sinabihan na magpanggap na katulong upang makalusot sa inspeksyon.

Ang recruiter ng biktima ay naniningil ng P20,000 para sa bayad sa kanyang biyahe na itinuring na utang sa kanyang dayuhang employer.

Pagdating sa Singapore, nagbiyahe ito sa Malaysia kung saan sinundo siya at dinala sa isang dormitory kung saan pwersahan siyang pinagtrabaho sa isang nightclub bilang performer upang may maipambayad sa kanyang utang.

Ngunit noong hindi siya nakabayad sa kanyang employer, isinumbong siya sa mga awtoridad sa Malaysia kung saan siya inaresto dahil sa kawalan ng mga dokumento.

“This case highlights the exploitative and unjust practices of recruiters and syndicates who profit from human trafficking, leaving victims struggling to return home and facing numerous hardships due to false promises,” ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado.

Ang biktima ay pagkakalooban ng tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbalik niya ng Pilipinas. (JOCELYN DOMENDEN)

56

Related posts

Leave a Comment