(NI ABBY MENDOZA)
TULUYANG magiging bagyo ang sama ng panahon na namataan sa Visayas at tatawaging bagyong ‘Onyok’.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), sa loob ng 24-oras inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong ‘Onyok’ na ikalimang bagyo sa buwan lamang ng Setyembre.
Sa weather forecast ng Pagasa ay hindi inaasahang tatama sa lupa ang bagyo.
Ang sama ng panahon ay huling namataan sa 1,410 kilometro ang layo mula sa Visayas, kumikilos ito sa bilis na 30kph, taglay ang lakas ng hangin na 45kph at bugso 55 kph.
223