IRM releases ng PhilHealth kakalkalin sa Kongreso P2.8 BILYON NAGLAHO?

HINDI palalagpasin ng House committee on public account na pinamumunuan ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang P14 bilyong ipinamudmod ng Philippine Health Insurance
Corporation (PhilHealth) dahil posibleng nawalan ang gobyerno ng P2.8 bilyon sa halagang ito.

Ito ang tiniyak ni Defensor kaugnay ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) na pinondohan ng PhilHealth ng P30 bilyon at bagama’t sinuspinde ay nakapaglabas ang ahensya ng P14 bilyon.

“We will examine those payments in detail for any sign of fraud and/or overpayment. We have already asked PhilHealth to submit all supporting documents,” pahayag ni Defensor.

Ang nasabing pondo ay ipinamudmod na sa iba’t ibang pagamutan kung saan maging ang mga hindi accredited na Health Care Providers (HCPs) ay binigyan umano ng advance na pondo para
gamitin sa COVID-19 patients.

Ayon kay Defensor, mula nang ibigay ng PhilHealth ang P14 bilyon na advance payment sa mga ‘pinaborang’ pagamutan noong Mayo ay P1 bilyon pa lamang ang na-liquidate.

“We hope to get by next week the supporting papers, which should indicate the amounts advanced, the recipient-hospitals, amounts liquidated, number and classification of new coronavirus disease cases, number and names of patients, medicines given, and the treatment patients received,” ayon kay Defensor.

Binaalan ng mambabatas ang mga ospitals o HCPs, na tiyaking tama ang kanilang liquidation sa advance payment na ibinigay sa kanila ng PhilHealth dahil may paglalagyan ang mga ito kapag
napatunayan na nandadaya ang mga ito.

Nagtakda ang PhilHealth ng package rate sa COVID-19  kung saan P43,997 ang babayaran sa mild pneumonia, P143,267 sa moderate, P333,519 sa severe at P786,384 sa critical
pneumonia/coronavirus disease.

Subalit ayon kay Defensor, dahil sa package rate na ito, tinataya ng Commission on Audit (COA) na nagkaroon ng overpayment na aabot sa 20% na posibleng nangyari na rin sa IRM funds.

“20 percent of P14 billion is P2.8 billion. That is the potential loss from the amount PhilHealth advanced to hospitals. We will watch out for any sign of overpayment or excess payment or claims
in the documents we have asked from PhilHealth,” ayon pa sa mambabatas.

Nagbabala rin ito sa mga pagamutan na huwag gamitin ang COVID-19 package sa mga pasyente na may ubo at lagnat lamang para makapaningil ng P44,000 sa PhilHealth.

“Theoretically, a hospital can do that, and it happened in many cases in the past. But now we are watching,” ayon pa kay Defensor. (BERNARD TAGUINOD)

58

Related posts

Leave a Comment