JOBLESS ARESTADO SA SEXUAL ASSAULT

ARESTADO sa kasong sexual assault ang isang 45-anyos na jobless, sa bisa ng warrant of arrest, sa Baseco Compound, Port Area, Manila noong Lunes ng hapon.

Kinilala ni Police Coronel Samuel Pabonita, hepe ng District Intelligence Division (DID) ng Manila Police District, ang suspek nasi alyas “Ayosguyod”, residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng DID- 2 Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT), bandang alas-4:00 ng hapon nang arestuhin ang suspek sa nabanggit na lugar.

Inaresto ang suspek ayon sa utos ni Major Purisima, sa manhunt operation na inasestihan ni PCol. Pabonita.

(RENE CRISOSTOMO)

196

Related posts

Leave a Comment